Ex-cop na si Gonzales ‘no-show’ sa LTO hearing
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na ang mga kasong kinahaharap ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales ay naisumite na para sa resolusyon.
Ayon kay LTO-National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Hanzley Lim, ito ay kasunod nang hindi nito pagsipot sa hearing na nakatakda nitong Huwebes, alas-2:00 ng hapon.
Sa halip ay dumalo ang anak ni Gonzales, na isinuko ang driver’s license ng dating pulis kaugnay ng 90-day preventive suspension na ipinataw ng ahensya nitong linggo.
“Mr. Gonzales did not submit an affidavit so we take it as a waiver on his part for us to decide on the matter based on the pieces of evidence we have,” ani Lim.
Nag-isyu ng show cause order (SCO) laban kay Gonzales, na natanggap niya noong August 28, kung saan pinagpapaliwanag siya kung bakit hindi siya dapat parusahan sa apat na violation sa ilalim ng Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code, kabilang ang reckless driving, obstruction of traffic, at improper person to operate a motor vehicle.
Anang LTO-NCR, ang hindi pagsusumite ng notarized affidavit “would be deemed as a waiver to hear and contradict the allegations against the latter.”
Batay sa LTO, ang maximum penalty para sa mga kaso laban kay Gonzales ay permanent revocation ng kanyang driver’s license.
Samantala, tumalima ang registered owner ng KIA Rio sa utos ng LTO na magpaliwanag sa pamamagitan ng notarized affidavit at Deed of Sale na naibenta na ang sasakyan sa anak ni Gonzales.
- Latest