^

Police Metro

Sunog sa Quezon City: 15 katao nasawi

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa
Sunog sa Quezon City: 15 katao nasawi
Firefighters respond to a fire that razed a residential-turned-commercial establishment along Kennedy Drive in Pleasant View Subdivision, Barangay Tandang Sora, Quezon City on Thursday.
Photos courtesy of Barangay Tandang Sora Fire Brigade/Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Labinglimang katao ang nasawi habang dalawa ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang bahay na ginawang pabrika sa Quezon City, habang malakas ang buhos ng ulan, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3, kinilala ang mga nasawi na sina Michael Cavilte, 44, may-ari ng bahay; hipag na si Maria Micaela Ysabella Barbin, 23; at anak nito na si Erica Scarlett, 3; Wilmar Ritual, 25; Raffy Barrientos, 25; Julius Abarca, 20, Alfred Manuel, 23; Clarisse Encado, 25; at alyas ‘Daisy,’ na pawang stay-in helper/employee; Jayson Dominguez, 45, driver; Carmina Abalos, 22; alyas ‘Miya’; alyas ‘Irene’; at Dianne Lopinal, pawang quality checker; at Teresa Cruz, printing staff.

Nasugatan naman sina Erick John Cavilte, 25, na ka­­patid ni Michael at asawa ni Barbin; at isang alyas ‘Francisco,’ 23, stay-in helper/employee.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:30 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay na matatagpuan sa 68 Kenny Drive, Pleasant View, Brgy. Tandang Sora, Quezon City, na pagmamay-ari ni Michael.

Ayon kay BFP-National Capital Region (NCR) Fire Chief Supt. Nahum Tarroza, ang nasunog ay isang residential house, na ginawang t-shirt printing establishment.

Aniya, nasa kahimbingan ng tulog ang mga trabahador sa kanilang quarters, na matatagpuan sa likod ng bahay, nang maganap ang sunog habang nasa ikalawang palapag naman ng bahay ang magkapatid na Cavilte, gayundin sina Barbin at anak nito.

Nagsimula ang sunog sa harapang bahagi ng bahay, na siyang nagsisilbing entrance at exit nito na dahilan para makulong at hindi na nagawa pang makalabas ng bahay.

Sinasabing nagmula ang sunog mula sa mga kemikal na nakaimbak sa loob ng tahanan, na ginagamit nila sa pag-iimprenta ng mga t-shirt.

Ang mga naturang kemikal din umano ang dahilan kung bakit naging mabilis ang pagkalat ng apoy.

Nagawa naman makaligtas ng mga sugatang biktima matapos na makatalon sa bintana na nasa second floor.

Inabot lamang ng unang alarma ang sunog, bago na­ideklarang under control, alas-6:28 ng umaga at naapula, alas-8:04 ng umaga.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga arson inves­tigators ang sunog.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with