^

Police Metro

Raid sa mga bodega ng bigas paigtingin pa! – Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Raid sa mga bodega ng bigas paigtingin pa! – Marcos
Ikinandado ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isa sa bodega ng bigas na matatagpuan sa Intercity Industrial Estate sa Balagtas, Bulacan matapos na mabigo na maipakita na may permit sila sa pag-angkat ng bigas matapos ang sorpresang pag-inspeksyon ng mga mambabatas na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Ramon Efren Lazaro/Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Paigtingin pa ang pagsasagawa ng raid sa mga warehouse ng bigas sa bansa.

Ito ang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BOC) para ma­panagot sa batas ang mga hoarders o nagtatago ng bigas at illegal smugglers ng imported na bigas.

Ang kautusan ay ginawa ni Marcos matapos salakayin ang tatlong malalaking bodega sa Bulacan kung saan nadiskubre ang mahigit P505 milyong halaga ng bigas.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Palasyo ng Malacanan ay sinabi ni Customs Commissioner Beinvenido Rubio, nagpadala na siya ng mga tauhan sa mga bodega kung saan posibleng may iniipit na imbak ng bigas.

Sa sandaling ma-vali­date umano na walang pi­nagbayaran ang mga laman ng bodega ay kukumpis­kahin nila ito.

Siniguro rin ni Rubio na makakasuhan ang mapatutunayang sangkot sa smuggling at hoarding dahil katuwang naman nila dito ang Department of Justice.

RICE

WAREHOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with