^

Police Metro

Comelec hiningi ang pag-turnover ng mga botante sa 10 EMBO barangays

Danilo Garcia - Pang-masa
Comelec hiningi ang pag-turnover ng mga botante sa 10 EMBO barangays
Ang apela ng komis­yon ay dahil sa nangya­ring tensyon sa EMBO schools na bibisitahin ni Taguig Cit Mayor Lani Cayetano at mga volunteers sa pagbubukas ng Brigada Eskwela ay nang harangan ang daan nila patungo sa mga paaralan gayundin ay nagpaskil ng mga malalaking banner na nagsasabing pagmamay-ari ng Makati City ang mga school buildings.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Hiningi ng Com­mission on Elections (Comelec) sa Makati City ang kanilang koope­rasyon upang i-turnover ang listahan ng mga botante ng 10 EMBO ba­rangays na bahagi na ng Taguig City.

Ang apela ng komis­yon ay dahil sa nangya­ring tensyon sa EMBO schools na bibisitahin ni Taguig Cit Mayor Lani Cayetano at mga volunteers sa pagbubukas ng Brigada Eskwela ay nang harangan ang daan nila patungo sa mga paaralan gayundin ay nagpaskil ng mga malalaking banner na nagsasabing pagmamay-ari ng Makati City ang mga school buildings.

Ang tensyon ay nang­yari sa kabila ng memorandum order na ipinalabas ng Department of Education (DepEd) na nag-aatas sa mga school principals na ilipat na ang management at personnel ng 14 EMBO schools sa Taguig.

Tiniyak ng Comelec na walang uusbong na tensyon sa kanilang gagawing turnover at sa mismong eleksyon dahil mayroon silang nakalatag na procedural steps na susundin ng ibat ibang departamento.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay gagawin sa Taguig Convention Hall simula August 28 hanggang September 2 habang ang mga botante mula sa 10 Embo Barangays ay hindi na kailangan na magparehistro muli para sa October Barangay at Sanggunian Kabataan Election (BSKE).

Ayon kay Garcia, ka­nilang hihingin sa Makati na magamit ang mga paaralan na maging polling stations.

“If Makati City disallows the use of schools in the EMBOs as polling stations for the BKSE, the law department was directed to devise a way to legally deputize Makati,” paliwanag ni Garcia.

Aatasan naman ang Office of the Election Officer ng Makati at Taguig na maghanda ng bagong listahan ng mga presinto at bagong lista­han ng qualified electoral boards.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with