2 drug dealer timbog sa higit P4.5 milyong shabu

MANILA, Philippines — Dalawa umanong big­time drug dealer ang na­aresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite at nakumpiska ang nasa mahigit P4.5 mil­yong shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Pangadapon Maondan Macatiwas, nasa hustong gulang at nasa newly identified drug list, residente ng Brgy. Paliparan I; at Mhine Maamor Binthadjirsaul, alias Almaida, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Sampaloc, at nasa high value individual target ng pulisya.

Sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi sa kasagsagan ng Bagyong Goring ay ikinasa ang buy-bust ope­ration sa Brgy. Paliparan 1, laban kay Macatiwas at narekober ang may 5 plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na may timbang na mahigit 600 gramo at aabot sa P4,080,000.

Naaresto naman, alas-5:00 ng hapon si Binthadjirsaul sa buy-bust operation sa nasabing lugar at narekober ang may 2 plastic sachet na naglalaman ng shabu at may timbang na mahigit sa 75 gramo na aabot sa halagang P510,000.00.

Show comments