^

Police Metro

Bus augmentation, ipatutupad sa Gil Puyat, Pasay at EDSA-Taft

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bus augmentation, ipatutupad sa Gil Puyat, Pasay at EDSA-Taft
Buses on EDSA, a major thoroughfare connecting cities of Metro Manila in the Philippines.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng ­“bu­saugmentation” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa Gil Puyat (Buendia) sa bahagi ng Pasay hanggang EDSA-Taft.

Sa ilalim ng “bus augmentation,” nasa kabuuang limang (5) unit ng bus na kasalukuyang bumibiyahe sa rutang Malanday – Ayala via McArthur Highway, Rizal Avenue, Taft Avenue, at Gil Puyat (Buendia) Avenue ang papayagang pahabain pansamantala ang kanilang ruta para umabot hanggang EDSA-Heritage Hotel-Taft.

Nakipag-ugnayan na ang LTFRB sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na siya namang nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Pasay, hinggil sa “bus augmentation” na ito.

Ang pansamantalang “bus augmentation” ay epektibo ngayong araw na ito  hanggang sa  maibalik sa normal ang operasyon ng LRT-1.

Matatandaaang nakaranas ng “mechanical problem” ang isang Generation 2 trainset ng LRT-1 kahapon at naapektuhan ang operasyon nito. Kasalukuyang nagsasagawa ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) Engineering Team ng “trackworks” at magiging limitado ang operasyon ng LRT-1, kung saan tatakbo ang mga tren nito mula Fernando Poe, Jr. (dating Roosevelt) Station sa Lungsod ng Quezon hanggang Gil Puyat (Buendia) Station sa Lungsod ng Pasay lamang.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with