Mag-asawa na galing sa lamay pinatay sa tapat ng bahay

Bago pa nakapasok sa kanilang bahay ay biglang sumulpot ang dalawang hindi nakilalang armadong lalaki at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang mag-asawa na agad nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang mag-asawa matapos pag­ba­barilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Zone-2, Brgy. Nogpo, Libon, Albay, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Alfredo Bazar Mata at misis na si Relly, barangay kagawad, kapwa­ nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na mabilis na nakatakas lulan ng isang motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

Sa ulat, alas-9:20 ng gabi ay kararating lang ng mag-asawa mula sa isang lamayan sa Brgy. Rawis lulan ng kanilang motorsiklo.

Show comments