Motor riders na dadaan sa EDSA bike lane huhulihin na
MANILA, Philippines — Pagmumultahin simula ngayong araw (Agosto 21) ang mga motorcycle riders na mahuhuling gumagamit ng bike lane sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).
Sa isang Facebook post kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi nitong ang pagbalewala sa mga traffic signs ay may kaakibat na multang P1,000.
Anang MMDA, hindi magamit ng mga siklista ang bike lanes sa EDSA dahil sa dami ng motorsiklong gumagamit nito.
Dagdag pa ng MMDA, “Ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga motorcycles. Ang bicycle lane ay inilaan para sa mga cyclists o nagbi-bisikleta, hindi para sa mga motorcycle riders.”
“Disregarding traffic sign ang violation na may kaakibat na P1,000 multa,” post pa ng MMDA.
- Latest