^

Police Metro

Writ of Execution ‘di na kailangan sa hurisdiksyon sa 10 barangay — Taguig City

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang pagli­lipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig City.

Ito ang inihayag ng Taguig-LGU na inalmahan ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.

Iginiit ng Taguig-LGU na walang ligal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaaring gamiting batayan para iantala ang  paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig City.

Dagdag pa nito, ang opinion na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.

Taliwas din umano ang opinion ng OCA sa nature at tono ng mismong desis­yon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.

Tinukoy din ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng Camarines Norte vs Province of Quezon.

Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang COMELEC, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nasasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon.

Kasabay nito, pinatawan ng korte ng contempt ang mga opisyal ng Quezon Province dahil sa pagbalewala sa inisyu nilang final decision.

Kaya’t pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan, salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.

Matatandaan na dalawang beses nang ibinasura ng SC ang tangka ng Makati City na mairekonsidera ang pinal na desis­yon ng SC, subalit nanindigan ang mga mahistrado na ang Parcel 3 at 4 sa PSU 2031 na kinabibilangan ng 10 barangay ay nasa legal na hurisdiksyon ng Taguig base na rin sa iprinisintang historical, documentary at testimonial evidences.

KORTE SUPREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with