MANILA, Philippines — Walang nakikitang na ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City sa pagbubukas ng 2023-2024 school year sa Agosto 29.
Ito ay kasunod nang maayos na paglulunsad ng Brigada Eskuwela kung saan nakiisa ang mga estudyante, guro, mga magulang, alumni at iba pang external stakeholders.
Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona, naging matagumpay ang paglulunsad ng Brigada Eskuwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Nagpaabot ng pasasalamat ang dalawang school principal kay Mayor Lani at sa Taguig volunteers sa naging suporta sa Brigada Eskwela na sinimulan noong Agosto 14 at magtatapos sa Agosto 19.
Sinabi ni Taguig-Pateros School’s Superintendent Dr. Cynthia Ayles na ang lahat ng 14 school officials ay may maayos na koordinasyon sa Taguig LGU noon pang buwan ng Hulyo kaya walang dapat na ipangamba sa pagbubukas ng klase dahil makaaasa na magiging maayos ito kasabay ng pakiusap na maging bukas ang isipan ng lahat sa transition na pinal nang ipinag-utos ng Korte Suprema upang maiwasan na ang tensyon at kalituhan.
Napawi na ang alalahanin ng mga magulang nang igarantiya ni Mayor Lani sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Brigada Eskuwela ang dekalidad na serbisyo at tulong sa pagaaral ng may 30,000 estudyante ng 14 EMBO schools.