^

Police Metro

14 EMBO school principals walang nakitang problema sa hurisdiksyon ng Taguig

Danilo Garcia - Pang-masa
14 EMBO school principals walang nakitang problema sa hurisdiksyon ng Taguig
This photo shows community stakeholders paritcipating in the "Brigada Eskwela" program of the Department of Education.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Walang nakikitang na ngayon ay nasa hurisdik­syon ng Taguig City sa pag­bubukas ng 2023-2024 school year sa Agosto 29.

Ito ay kasunod nang maayos na paglulunsad ng Brigada Eskuwela kung saan nakiisa ang mga estudyante, guro, mga magulang, alumni at iba pang external stakeholders.

Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona, naging­ matagumpay ang paglulun­sad ng Brigada Eskuwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Nagpaabot ng pasasa­lamat ang dalawang school principal kay Mayor Lani at sa Taguig volunteers sa naging suporta sa Brigada Eskwela na sinimulan noong Agosto 14 at magtatapos sa Agosto 19.

Sinabi ni Taguig-Pateros School’s Superintendent Dr. Cynthia Ayles na ang lahat ng 14 school officials ay may maayos na koordinasyon sa Taguig LGU noon pang buwan ng Hulyo kaya walang dapat na ipangamba sa pagbubukas ng klase dahil makaaasa na magiging maayos ito kasabay ng pakiusap na maging bukas ang isipan ng lahat sa transition na pinal nang ipinag-utos ng Korte Suprema upang maiwasan na ang tensyon at kalituhan.

Napawi na ang alalahanin ng mga magulang nang igarantiya ni Mayor Lani sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Brigada Eskuwela ang dekalidad na serbisyo at tulong sa pag­aaral ng may 30,000 estud­yante ng 14 EMBO schools.

BRIGADA ESKUWELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with