MANILA, Philippines — Matapos na ilabas ng Office of the Ombudsman ang resolusyon na nagtatanggal sa serbisyo nang sinuspindeng sina Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong at assistant general manager na si Irene Montalbo ay hindi na ito maaari pang magtrabaho sa gobyerno.
Sa resolusyon na inaprubahan ni Ombudsman Samuel Martires batay sa isinagawang investigation at prosecution officers na sina Clarisa Tejada at Gretchen Duran, acting director-PIAB-A Bonifacio Mandrilla at officer in charge, PAMO II Medwin Dizon na may petsang August 4, ay pinagtibay na sina Chiong at Montalbo ay lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at mga kasong Abuse of Authority, ‘conduct prejudicial to the best interest of the service.’
Ang kaso ay nagmula sa pagpayag nila Chiong at Montalbo sa ‘reassignment’ ng 285 empleyado ng MIAA mula nang maupo ito sa posisyon noong July 19, 2022.
Buwan ng Abril ay pinatawan ng Ombudsman ang dalawang opisyal na ‘preventive suspension’ dahil sa grave abuse of authority at ‘misconduct’ base sa ‘anonymous complaint’ na galing sa mga MIAA officials.