^

Police Metro

Solusyon ni Bato sa utang ng Pinas: Mag-anak pa kayo!

Gemma Garcia - Pang-masa
Solusyon ni Bato sa utang ng Pinas: Mag-anak pa kayo!
Senator Ronald Dela Rosa.
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Para mabilis na maba­ya­ran ang utang ng Pilipinas ay dapat na magdagdag pa ng mga anak ang mga Pilipino.

Ito ang naisip na solus­yon si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, dahil kapag lumaki pa ang popu­lasyon ng bansa, mas marami ang maghahati-hati sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas.

“Sabi nila, kawawa tayo dahil hindi pa ipinapanganak ang apo ko meron nang ganitong utang kasi ang per capital ng debt natin ganito na pala kalaki,” pahayag ni Dela Rosa sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senate Finance Committee.

“Maganda siguro kung magkaroon ng maraming anak para lumaki ang population, paglumaki ang po­pulasyon, mas maraming maghahati-hati sa utang mas mababa ang per capita utang natin…the bigger the population mas maraming maghahati-hati sa utang,” dagdag pa niya.

Tinanong pa ni Dela Rosa ang mga economic ma­nager ng pamahalaan na kung okay lang sabihin sa mga Pilipino na hindi dapat mag-panic ang mga Pinoy kahit na umabot na sa P13.70 trilyon ang kasalukuyang utang ng bansa.

Sagot naman ni Fi­nance Secretary Benjamin Diokno, reasonable at ma­nage­able naman umano ang ka­salukuyang utang ng bansa.

“The way to look at the budget is, sabi ko nga yung deficit pinababa nga natin, magiging 3% but if you notice on the composition of the budget, you mostly investment. We are committed to invest 5 to 6% of GDP for infrastructure, napakamalaking bagay po yan, tuloy pong lalago ang ekonomiya, so makikinabang lalo ang mga mahihirap,” dagdag pa ng kalihim.

RONALD DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with