Pagtatalaga ng provincial treasurer sa Maguindanao Del Norte, iaapela sa SC

MANILA, Philippines — Sa sandaling matanggap ang desisyon sa Mandamus case tungkol sa pagtatalaga ng provincial treasurer sa Maguindanao Del Norte ay nakatakdang iapela ito ni Bangsamoro Cotabato City Government Chief Minister Ahod Ebarahim sa Korte Suprema.

Pero, tiniyak ni Ebrahim na nirerespeto ng Bangsa­moro government ang pagtataguyod ng demokrasya, hustisya at ang umiiral na batas sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema.

Maliban dito, nirerespeto rin umano nito ang independence ng hudikatura at ang desisyon nito lalo na at naniniwala na ma­halagang igalang ang due process na sistema ng hudikatura. Siniguro rin ni Ebrahim na hindi sila gagawa ng anumang hak­bang na magdudulot ng anumang uri ng kaguluhan sa kabila ng pagkwestyon nila sa naging desisyon ng Korte Suprema.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang nata­tanggap na kopya ng de­sisyon mula sa Korte Suprema ang kampo ni Ebrahim, subalit agad umano silang maghahain ng apela sa sandaling matanggap nila ang desisyon.

Nanawagan naman si Ebrahim sa lahat ng panig na maging maingat ang bawat isa habang kani-ka­nilang pinagtutulungan na maresolba ang usapin sa le­gal na pamamaraan.

Pinayuhan din nito ang ma­mamayan ng Bang­sa­mo­ro na anuman ang ka­ni­lang paniniwala sa politika ay maging maingat sa kanilang mga ipapahayag para hindi ito maka­gulo at pag­simulan ng anumang ka­guluhan sa mga apektadong lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region at umaasa na matutuldukan na ang usapin sa lalong madaling panahon.

Show comments