Pinas dedepensa vs Chinese troops sa Ayungin Shoal – AFP
‘Pag inalis ang BRP Sierra Madre ‘
MANILA, Philippines — Maaaring inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahandang dumepensa ang Pilipinas kung magdedesisyon ang China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ay matapos ang ginawang paggamit ng China Coast Guard ng water cannons sa barko ng Philippine Coast Guard habang naglalayag papuntang Ayungin Shoal para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay AFP spokesperson Medel Aguilar sa media forum sa QC, bagama’t ang scenario ay pawang speculative pa lamang pero nakahanda ang militar sa anumang banta hinggil dito.
Napaulat naman sa Reuters na hiniling ng China sa Pilipinas na gumawa ng epektibong paraan upang maibsan ang tensiyon sa South China sea.
Sinasabi rin sa ulat na ayon sa Beijing ay pinasok ng barko ng Pilipinas ang bahagi ng kanilang teritoryo na isang paglabag sa China law nang magsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
May ulat din umano na nangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal pero ito ay pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Giit ng Punong Ehekutibo, wala siyang nalalaman na may kasunduan na aalisin ng Pilipinas ang barko nito sa sariling niyang teritoryo.
Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Kalayaan Island Group na isang teritoryo ng Pilipinas.
- Latest