^

Police Metro

Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Maynila

Danilo Garcia - Pang-masa
Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Maynila
Pura

MANILA, Philippines — Idineklarang “persona non grata” ng 12th City Council of Manila ang Filipino drag artist na si Amadeus Fernando Pagente, na mas kilala bilang Pura Luka Vega, sa isang resolusyon na pinagkaisang inaprubahan nitong Agosto 8.

Ang deklarasyon ay ka­sunod ng kanyang pagtatanghal sa sayaw ng remix ng relihiyosong kantang “Ama Namin” sa isang lokal na bar, habang naka­suot ng costume na inspi­ras­­yon ng Itim na Nazareno.

Nag-viral sa social media ang isang video ng pagtatanghal, na umani ng galit ng mga debotong Katoliko at lider ng relihiyon na ki­nondena ang pagkilos bilang ‘kalapastanganan’.

“Ito pong taong ito ay walang habas at di man lang pinag-isipan ang kanyang ginawa… (I)sang kalapas­tangan po ang kanyang gi­na­wang palabas. Hindi po dapat itong palagpasin ka­si pag pinalagpas natin ito, baka maparisan po ito. Kailangan na po na­ting gumawa ng aksyon,” ani 5th District Councilor Ricardo “Boy” Isip, pangu­nahing may-akda ng nasa­bing resolusyon, sa kanyang sponsorship speech.

Ipinaliwanag naman ni 5th District Councilor Jaybee Hizon ang kahalagahan ng Black Nazarene sa Lungsod ng Maynila, dahil binigyang-diin nito na hindi dapat gamitin ang kalayaan sa pagsasalita para saktan ang damdamin ng relihiyon.

Marami pang miyembro ng Konseho ang tumindig upang ipakita ang kanilang su­porta para sa nasabing resolusyon.

Sa Maynila idinaraos ang taunang Pista ng Itim na Nazareno, na kilala rin bilang Traslación, kung saan ginugunita ang pagsa­salin o ang paglipat ng Itim na Nazareno mula sa orihinal nitong lokasyon pa­tungo sa Quiapo Church noong 9 Ene­ro 1787.

vuukle comment

PURA LUKA VEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with