Karne ng baboy galing Bohol, bawal sa Cebu

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinagbawal ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang pagpasok ng mga baboy o anumang karne mula sa lala­wigan ng Bohol sa loob ng 60 araw.

Sa inilabas na Executive Order, sinabi ni Garcia na epektibo ang ka­u­tusan si­mula Agosto 8, matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) ang presensya ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Pilar.

Layon ng executive or­der na protektahan ang P11 bilyong halaga ng in­­dustriya ng baboy sa Ce­bu.

Sa panig naman ni Bohol Gov. Aris Aumentado, iginiit nito na na-contain na umano ang mga kaso ng African Swine Fever sa Pilar, Bohol.

Show comments