Karne ng baboy galing Bohol, bawal sa Cebu
MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinagbawal ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang pagpasok ng mga baboy o anumang karne mula sa lalawigan ng Bohol sa loob ng 60 araw.
Sa inilabas na Executive Order, sinabi ni Garcia na epektibo ang kautusan simula Agosto 8, matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) ang presensya ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Pilar.
Layon ng executive order na protektahan ang P11 bilyong halaga ng industriya ng baboy sa Cebu.
Sa panig naman ni Bohol Gov. Aris Aumentado, iginiit nito na na-contain na umano ang mga kaso ng African Swine Fever sa Pilar, Bohol.
- Latest