Pinoy na may trabaho, tumaas-PSA
MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Statistic Authority (PSA) na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong buwan ng Hunyo ngayong taon.
Sa ulat ng PSA, umakyat sa 95.5% ang employment rate o katumbas ng 48.84 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.
Ito ay may mahigit kalahating milyon na nagkatrabaho mula buwan ng Mayo hanggang nitong Hunyo o mas mataas sa 2.25 milyon ng Hunyo ng 2022.
Ang wage and salary earners ang nananatiling bumubuo ng pinakamalaking bahagi ng employed na nasa 61.5%.
Mas mataas naman ang employment rate ng mga kalalakihan na naitala sa 95.7% kumpara sa employment rate ng mga kababaihan na nasa 95.1%.
Bahagya namang umakyat sa 4.5% ang unemployment rate nitong Hunyo mula sa 4.3% noong Mayo ngayong taon.
Gayunman, mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa 6% na unemployment rate noong Hunyo ng 2022.
Ang underemployment rate naman o bilang ng mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 12%.
- Latest