Mga huwes na nag-abswelto sa nahuling mga dayuhan sa POGO, kakasuhan

Litrato ng mga Pilipino at dayuhang diumano'y biktima ng human trafficking sa Lungsod ng Las Piñas, ika-27 ng Hunyo, 2023
Released/PNP ACG

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga huwes na nagpakawala sa mga dayuhang empleyado ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Las Piñas City noong Hunyo.

Inatasan na umano niya ang Bureau of Immigration (BI) na kasuhan ang apat na huwes na nagbigay ng ‘habeas corpus’ sa mga dayuhan, kusang-loob man ito o kahit na nagkaroon ng ‘gross ignorance of the law’.

Wala rin umanong ‘colatilla’ na ibinigay ang mga huwes at nangangahulugan ito na isang ‘clause’ o kadahilanan ng pagpapalaya sa kanila, maliban na lang kung may iba pang dahilan kung bakit dapat silang maditine.

Dahil umano dito, hindi kinilala ng mga huwes ang hurisdiksyon ng BI at ng DOJ ukol sa mga iligal na gawain ng mga dayuhan sa bansa.

“So we are filing cases against the judges so that we will find out if there is indeed gross ignorance of the law in what they did, in granting the habeas corpus petitions,” dagdag pa ng kalihim.

Matatandaan na higit 2,000 indibidwal ang dinampot sa sinalakay na POGO sa may Hong Tai compound sa Las Pinas noong Hunyo kung saan kalahati sa kanila ay mga dayuhan.

Naghain ng petisyon para sa habeas corpus sa Las Pinas court at Court of Appeals ang mga dayuhan makaraang iditine sila sa compound ng ilang linggo ng mga otoridad.

Show comments