^

Police Metro

1 patay sa lumubog na pump boat sa Romblon

Danilo Garcia - Pang-masa
1 patay sa lumubog na pump boat sa Romblon
Sa ulat ng PCG Station Romblon, isang 55-babae ang nasawi nang atakihin sa puso. Tatlong pasahero naman ang bahagyang nasugatan kabilang sina January Vien Defeo, 16-taong gulang; Hazel Jane Faderagao, 23; at Ira Mariz Fruelda, 17, pawang mga nakatira sa bayan ng Corcuera, Romblon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang pasahero ang namatay habang nailigtas ang higit 90 pang sakay ng isang bangka makaraang mabutas at lumubog sa katubigan sa may lalawigan ng Romblon noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng PCG Station Romblon, isang 55-babae ang nasawi nang atakihin sa puso. Tatlong pasahero naman ang bahagyang nasugatan kabilang sina January Vien Defeo, 16-taong gulang; Hazel Jane Faderagao, 23; at Ira Mariz Fruelda, 17, pawang mga nakatira sa bayan ng Corcuera, Romblon.

Nabatid na umalis ng Ca­latrava Port ang M/B King Sto. Niño 7, alas-11:00 ng tanghali at patungo ng Corcuera Port lulan ang 90 pasahero, limang tripulante kasama ang kapitan na si Jose Moreno Sr.

Nabatid na dumalo umano sa youth camp ang mga pasahero at pabalik na sa Corcuera nang hampasin ang bangka ng malalaki at malakas na alon dahilan para mabutas ang kaliwang bahagi nito at mabilis silang pasukin ng tubig.

Dakong alas-12:30 ng hapon nang makatanggap ang PCG ng distress call mula kay Brgy. Captain Jeffrey Factos, na iniulat ang insidente.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng PCG Command Outpost-Corcuera para sa search and rescue (SAR) operation at matagumpany na nailigtas ng PCG ang 89 pasahero kabilang ang 10 mga bata at limang tripulante ng bangka, na dinala sa baybayin ng Brgy. Ilijan, Corcuera.

ROMBLON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with