^

Police Metro

100 na naaresto sa POGO raid sa Pasay kinasuhan na

Danilo Garcia - Pang-masa
100 na naaresto sa POGO raid sa Pasay kinasuhan na
A law enforcer inspects a bank of cell phones during a raid on a Philippine offshore gaming operator in Pasay City on Tuesday night. Photo at left shows some of the POGO’s 650 employees, who were taken into custody following the raid.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Sa halos na 650 katao na inaresto sa ginawang pagsalakay ng mga otoridad sa isang POGO sa Pasay City ay 100 ang kinasuhan ng  kriminal ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix L. Ty na isinagawa ang paghahain ng kaso sa loob na mismo ng Rivendell Global Support, Inc. na nasa SJ Mobile Building sa Pasay City, na sinalakay ng mga otoridad.

Hindi pa naman ma­ibigay ni Ty ang eksaktong kaso na inihain sa 20 Chinese nationals at 80 Pinoy.

Ayon kay Ty, officer-in-charge ng Inter-Agency Council Against Trafficking­ (IACAT) na pinamumu­nuan ng DOJ, na sina­lakay ang Rivendell nitong Agosto 1 ng gabi, kung saan nasa 650 ang inabutan sa establi­simiyento.

Sa naturang bilang, 180 lamang ang mga dayuhan na halos puro Chinese na­tionals, at iba ay mga Pili­pino na. Isa sa mga nadakip ay isang Pilipino na una nang nailigtas sa isang scam syndicate sa Myanmar at napa-repatriate, ngunit natagpuan na balik sa pagpasok sa pang-iiscam dito sa bansa.

Isa umanong rehistradong service provider ang Rivendell na lumalabas na front lamang para sa ka­nilang online scam activities at may iilang kwarto na gambling pa rin ang gina­gawa.

POGO

RAID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with