Bulkang Mayon tumaas pa ang aktibidad, 4K asupre binuga

MANILA, Philippines — Naging agresibo pa ang Bulkang Mayon sa Albay matapos magtala ng mataas na aktibidad nito kabilang na ang pagbuga ng may 4,113 toneladang asupre sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine ­Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs), nagtala ang bulkan ng 40 volcanic earthquakes at 45 rockfall events.

Nagkaroon naman ng mabagal na  pagdaloy ng lava mula sa crater ng bulkan na may haba na 2.8 ki­lometro sa Mi-isi Gully, 3.1 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully.

Umabot sa 4 na kilometro ang pagguho ng lava mula sa bunganga ng bulkan.

Natatakpan ng ulap ang Mayon kung kaya wala itong nakitang nailabas na plume.

Patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6- kilomrter danger zone at bawal ding magpalipad ng aircraft malapit sa bulkan.

Nanatiling nasa Alert Level 3 ang naturang bulkan.

Show comments