^

Police Metro

Tatlong aktibista pinawalang-sala ng Manila Court

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng isang huwes ng Manila City Regional Trial Court ang tatlong aktibista na ang isa dito ay nanganak sa selda sa kasong ‘illegal possession of firearms and explosives’.

Sa resolusyon na may petsang Hulyo 17, 2023, iniutos na pakawalan ni Manila Regional Trial Court Branch 47 Judge John Benedict Medina sina Reina Mae Nasino, Ram Carlo Bautista at Alma Moran, dahil sa “insufficiency of evidence.”

Matatandaan na inaresto ang tatlo ng mga otoridad noong Nobyembre 2019, kung kailan buntis si Nacino. Nanganak ang babae sa kaniyang selda na pinangalanang ‘River’ ngunit kinalaunan din ay nasawi nang hindi kapiling ang ina.

Nabatid na ikinunsidera ng korte ang una nilang ruling na nagdismis sa ‘demurer of evidence’ o kakulangan sa ‘prosecution evidence’.

Partikular ang magkakasalungat na testimonya ng mga testigo ng prosekusyon at pagkabigo na maipresenta sa korte ang mga nasamsam na armas.

“The Court finds that the unmistakable conflicting testimonies of the pro­secution witnesses gene­rate serious doubt as to whether the firearms with ammunitions and explosives were really found in the rooms of the accused as they were not identified with sufficient particula­rity,” saad ng resolusyon.

Sinabi naman ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pag-aaralan nila kung ano ang nangyari sa kaso para may basehan sila ng aksyon sa hinaharap, kasabay ng pagsasabi na ini­rerespeto nila ang desisyon ng korte.

Nais ni Remulla na malaman kung saan sila nagkamali upang hindi na maulit. Nagpakita umano ito na napakaimportante ng case build-up para ma­ipanalo ang mga hinahawakan na kaso.

ACTIVIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with