^

Police Metro

Bagyong Egay, isa nang super typhoon — PAGASA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bagyong Egay, isa nang super typhoon â PAGASA
PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio gives an update on the latest movement of super typhoon #EgayPH at the PAGASA Weather Forecasting Center in Quezon City on July 25, 2023.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umabot na sa kate­goryang “super typhoon” ang binabantayang bagyong Egay na tinutumbok ang Northern Luzon.

Napanatili ng super typhoon Egay ang kanyang lakas habang patuloy na nagbabanta sa hilagang kanluran

Sa latest monitoring ng  PAGASA sa bagyo, alas-2:00 ng hapon kahapon, ang sentro ni Egay ay namataan 230 kilometro ng silangan hilagang sila­ngan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong  240 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 230 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang public storm Signal Number 5 sa eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Island) at Signal Number 4 sa northeastern­ portion ng mainland Caga­yan (Santa Ana at Gonzaga) at nalalabing bahagi ng  Babuyan Islands.

Signal number 3 sa northeastern portion ng  Isa­bela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan,Tumauini), nala­labing bahagi ng  Cagayan, Apayao, eastern portion ng Ilocos Norte (Vintar, Adams, Pagudpud, Du­mal­neg, Nueva Era, Carasi, Bangui, Piddig, Solsona), northeastern portion ng  Kalinga (Rizal, Pinukpuk) at Batanes.

Signal number 2 sa nalalabing bahagi ng Isabela, northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casi­guran, Dinalungan, Dipa­culao), Quirino, nalalabing bahagi ng  Kalinga, northeastern portion ng  Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok) at northern portion ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol).

Signal number 1 sa Quezon kabilang ang Pollilo Islands, nalalabing lugar ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Marinduque, Cavite,  Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Camarines­ Norte, Camarines Sur,  Albay­, at Catanduanes.

Malakas din ang pag-ulan hanggang sa Huwebes sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, northern portions ng Abra and Ilocos Sur, northwestern portions ng  mainland Cagayan, northern­ portion ng Apayao, nala­labing bahagi ng Abra, at Ilocos Sur gayundin sa Benguet, La Union, Panga­sinan, western portions ng Kalinga at Mountain Pro­vince at nalalabing bahagi ng Apayao kasama na ang Batanes.

Si Egay ay inaasahang­ babagsak sa lupa o dadaan malapit sa Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan area gabi ng Martes o umaga nga­yong Miyerkules.

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with