5 tauhan ng PNP Health Service sangkot sa pagpeke ng neuro at drug test

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng administratibo at criminal ang limang tauhan ng Philippine National Police (PNP) Health Service na nahuling sangkot sa pame­meke ng resulta ng neurological test at drug test para sa lisensiya ng baril.

Sa pulong balitaan ay inihayag ni PNP-Civil Security Group Director PBGen. Benjamin Silo, Jr., na kabilang dito ang isang police major, 3 Non-Commissioned Officer, at isang Non-Uniformed Personnel (NUP).

Nakumpirma na ang lima ay sangkot sa pag-doktor o pamemeke ng resulta ng Psychiatrics and Psychological Examinations mula Agosto 2022 hanggang Pebrero 2023 ng mga aplikante para sa license to own and possess firearms (LTOPF) kapalit ng P30,000 - P35,000 bawat isa.

“Well hindi na natin tinignan ‘yung kinikita nung mga luko-luko na ito. Tignan lang natin ‘yung epekto sa publiko. Kung ang makahawak ng baril is psychotic, imagine the danger it can give to the public. Imagine if the one holding firearms is [an] addict, you know how big the possible effect of this to the society,” ani Silo.

Sinabi ni Silo na “immediate revocation” ang gagawin ng CSG sa lisensya ng baril na naibigay sa 313 aplikante na hindi nakapasa sa exam at sa 64 naman na hindi nag-exam, pero may resulta at itinuturing na inbalido ang mga lisensiya ng mga ito.

Show comments