^

Police Metro

SC pinagtibay ang pagbasura ng Sandiganbayan sa P1.07 bilyong ill-gotten wealth case vs Marcoses

Danilo Garcia - Pang-masa
SC pinagtibay ang pagbasura ng Sandiganbayan sa P1.07 bilyong ill-gotten wealth case vs Marcoses
Among those listed by PCGG are paintings by Matisse, Monet, Picasso, and Van Gogh.
Official Gazette

MANILA, Philippines — Sumang-ayon ang Korte Suprema sa pagbasura ng Sandiganbayan sa kaso laban kay dating­ Pangulong Ferdinand Marcos, dating First Lady Imelda Marcos at limang iba pa.

Sa desisyon noong Marso 29, tinanggihan ng SC First Division ang petisyon para baligtarin ang desisyon ng Sandiganbayan laban sa mga Marcos, kay Bienvenido Tantoco Jr., Bienvenido Tantoco Sr., Gliceria Tantoco, Maria Lourdes Tantoco-Pineda at Dominador Santiago, dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Sinabi ni Associate Justice Ricardo Rosario, ang nagponente sa desisyon, na nakakadismaya dahil sa walang narating ang kaso sa kabila ng 36 na taon na itinakbo nito, ngunit wala silang magagawa kundi sumang-ayon sa desisyon ng Sandiganbayan dahil sa kakulangan ng iprinisintang mga ebidensya.

Taong 1987 nang mag­hain ng kaso ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban sa mga Marcos at umano’y mga kasabuwat sa sinasabing nakaw na yaman.

Sa alegasyon ng PCGG, iligal na nag-withdraw ng pondo si dating Pangulong Marcos sa National Treasury, dating Central Bank, at iba pang financial institutions at inilipat ang pondo sa iba’t ibang payees. Nakipag-sa­buwatan naman umano ang ibang mga respondents para itago ang nakaw na yaman.

Ngunit unang dinismis ang kaso ng Sandiganba­yan noong Setyembre 25, 2019 nang hindi umano mapatunayan ng PCGG ang kanilang mga alegasyon.

Napansin ng grupong­ Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) ang serye ng mga desisyon­ ng Sandiganbayan na pabor­ umano sa mga Marcos­ mula nang maupo sa Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Tulad ng pagbasura sa P600-M civil forfeiture case laban sa Pangulo at sa ina niyang si Imelda, isa pang civil case ng nakaw na yaman noong nakaraang Pebrero, at isang kaso na layong marekober ang P200-B halaga ng mga asset at ari-arian ng mga Marcos noong Hulyo 2022.

FERDINAND MARCOS

IMELDA MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with