MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 24-anyos na babae na dalawang buwang buntis matapos barilin sa noo habang naglalakad ng gunman na nakamotorsiklo kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang nasawing biktima na si Diane Erica Prado, nakatira sa Aroma Compound, Tondo, Maynila.
Sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang makunan ng CCTV na naglalakad ang biktima sa isang eskinita sa Aroma Compound.
Paglagpas sa CCTV ay dito na binaril ang biktima ng isang lalaki na nakasuot ng motorcycle helmet at mabilis ring tumakas.
Nagtungo sa lugar ang ama ng biktima na si Joselito at nakita ang nakabulagtang anak.
Ayon sa kasama ng biktima na hindi niya nakilala ang gunman dahil sa suot na helmet na agad sumibat matapos ang pamamaril.
May apat na person of interest ang natukoy ng pulisya sa krimen.