DepEd rerebisahin sistema sa pagbibigay ng honors sa mga estudyante

Students from Rafael Palma Elementary School shed tears of joy as they graduate from elementary on Thursday, July 13, 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na rebyuhin ang kasaluku­yang recognition system o pagbibigay ng pagkilala at karangalan sa mga estud­yante sa bansa.

Ito’y bilang bahagi uma­no ng rebisyong isinasagawa ng ahensiya sa K to 12 curriculum para sa School Year 2024-2025.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, kasama sa rebisyong isinasagawa nila ay pagrebyu sa mga polisiya sa classroom assessment, gayundin sa sistema ng pagmamarka at pagbibigay ng mga parangal at pagkilala sa mga estudyante.

Paliwanag niya, ang assessment ay dapat na nakahanay sa kurikulum kaya’t kung rerebisahin ang kurikulum ay rerebisahin din ang assessment para sa competencies ng mga mag-aaral.

Una nang itinigil ng DepEd ang lumang sistema ng paggagawad ng parangal sa mga mag-aaral noong 2016, kung saan mayroong Valedictorian at Salutatorian o Top 10 students, upang maiwasan ang kumpetisyon sa mga mag-aaral at sa halip ay makilala ang personal na achievements o tagumpay ng mga ito.

Sa ilalim ng bagong sistema, binibigyan ng karangalan ang mga estud­yante, depende sa kanilang naging performance sa klase o With Honors, With High Honors at With Highest Honors.

Show comments