Metro Manila, Luzon inuulan dahil sa LPA at habagat
MANILA, Philippines — Patuloy na inuulan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon dulot ng epekto ng habagat at low pressure area (LPA) sa Infanta, Quezon.
Ayon sa PAGASA, dahil sa magkasanib na lakas ng LPa at habagat ay patuloy na nakakaranas ng pag-uulan sa naturang mga lugar.
Sinabi ni weather forecaster Patrick Del Mundo, na wala namang bantang maging bagyo ang naturang LPA sa susunod na 24 oras pero ito ay nakakaapekto sa ibat ibang panig ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 295 kilometro ng silangan ng Infanta.
“Itong LPA ay mababa pa rin ang tiyansa na maging isang bagyo within the next 24 hours, ngunit inaasahan natin na posible itong lumapit sa bahagi ng Aurora, Quezon, at Camarines Norte area,” sabi ni Del Mundo.
- Latest