^

Police Metro

DepEd: Pagbalik ng lumang school calendar, aabutin ng 3-5-taon

Mer Layson - Pang-masa
DepEd: Pagbalik ng lumang school calendar, aabutin ng 3-5-taon
Students return to their respective schools as in-person classes in Marikina City resume on March 9, 2023.
STAR / Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Bago maibalik ng De­part­ment of Education (DepEd) ang lumang school calendar ay posible uma­nong abutin pa ito ng mula tatlo hanggang limang taon.

Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Michael Poa, ang naturang timeline ay base sa kasalukuyang pag-aaral na isinasagawa ng ahensiya.

Aniya, inaantabayanan pa rin nila ang pinal na ebalwasyon ng grupo hinggil dito at mayroon rin aniyang dalawang aspeto ang tinitingnan nila sa ngayon.

Ang una aniya ay kung babalik ba dahil napakainit sa mga silid-aralan kung summer season.

Ang ikalawa naman ay kung sakaling magdesisyon na  bumalik sa lumang ka­lendaryo ay hindi naman ito kaya ngayong taon.

Una nang sinabi ni Poa na kabilang sa ikinokonsidera nila sa kahilingang ibalik ang lumang school calendar ay ang minimum na bilang ng school days.

Ang lumang school calendar ay nagsisimula ng unang Lunes ng Hunyo at nagtatapos sa buwan ng Marso.

Hinikayat ni Poa ang mga opisyal ng pamahalaan na huwag nang i-require ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan kung napakainit ng panahon dahil maaari naman aniya silang magpatupad ng alternative delivery modes.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with