Magpinsan na sakay ng motor bumangga sa puno, dedo

MANILA, Philippines — Isang magpinsan na umano’y galing sa isang party ang nasawi nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang malaking punong kahoy sa gilid ng highway sa Magsaysay, Davao del Sur, noong Sabado ng gabi.
Sa naantalang ulat ng Magsaysay Municipal Police Station, pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Balnate sa naturang bayan ang magpinsan na sina Dominic Pari Cayon, 18; at Ryan Pari, 28 mula sa isang kasiyahan nang maganap ang aksidente.
Hinala ng pulisya na posible umanong nakainom ang dalawa habang sakay ng motorsiklo at nawalan ng kontrol kaya’t bumangga sa puno ng Camachile sa gilid ng highway sa Brgy. Blocon, Magsaysay.
Ang magpinsan ay isinugod ng mga residente sa lugar na nakarinig ng pagsalpok sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arrival.
- Latest