59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease, wala ng VAT

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na cancer, hypertension, high cholesterol, diabetes, mental illness, tuberculosis at kidney disease ay hindi na kokolektahan ng Value Added Tax (VAT).

Batay ito sa ipinalabas na kautusan ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular 72-2023 na nagsasaad ng exemption sa VAT ang ilang gamot sa  naturang mga karamdaman.

Ang hakbang ay alinsunod naman sa talaan ng VAT - Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at Republic Act No. 11534 (CREATE Act).

Sinabi ni Lumagui na ang hakbang ay magpapagaan sa gastusin ng mga mamamayan na mayroon ng naturang mga karamdaman.

Ipinagmalaki ni Lumagui na ang BIR ay isang ahensiya ng pamahalaan na hindi goal-oriented pero service-oriented.

Show comments