Bebot inatado ng saksak ng lalaking ka-check in sa hotel
MANILA, Philippines — Agaw buhay ang isang 34-anyos na babae sa ospital nang ataduhin ng saksak ng kasamang lalaki sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na itinago sa alyas na “Naomi” ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Habang naaresto ang suspek na si Carlo Oblimaga, 26, ng 649 Baseco Compound, Port Area, Manila.
Sa ulat, alas-10:00 ng gabi ay napansin ng mga nagpapatrulyang mga pulis ang komosyon sa labas ng naturang hotel dahil sa pinipigilan ng mga guwardiya ang isang lalaki na nagtatangkang umalis.
Umawat ang mga pulis at nalaman na kaya pinipigilan ang suspek ay hindi niya kasamang lumabas ang babae.
Kaya’t binerika ang loob ng kuwarto at nadiskubre na tadtad ng saksak ang babae kaya agad inaresto ang suspek.
- Latest