’15 milyong Pinoy nagyoyosi, nanganganib sa oral diseases at cancer’

MANILA, Philippines —  Tinatayang aabot sa 15 mil­yong Pinoy ang nanganganib na magkaroon ng oral diseases at posibleng mauwi sa oral cancer dahil sa patuloy na paninigarilyo, ayon sa health advocate group kahapon.

Nabatid na malapit sa 15 milyong mga nasa hustong gulang na nakikibahagi sa paninigarilyo ng tabako ay nasa panganib na magkaroon ng mga sakit sa bibig kabilang ang oral cancer, pahayag ng isang grupo ng mga tagapagtaguyod ng kalusugan.

Sinabi ng grupong Health Justice Philippines, sa pagbanggit sa 2021 Global Adult Tobacco Survey, sa Pilipinas, ang 15 taong gulang pataas ay nasa  19.5% o 15.1 milyon ang tobacco users, kung saan 14.4 milyon sa kanila ang naninigarilyo ng mga produktong tabako.

Bilang karagdagan, sinabi ng grupo, 3.9% lamang ng mga kasalukuyang naninigarilyo ang ganap na huminto sa bisyo, habang 63.7% ay nagpaplano pa rin na huminto.

“Quit smoking and using all forms of tobacco as a first step to ease the burden of oral diseases. Improve your oral hygiene and prevent further damage to your teeth, gums, tongue and mouth by seeking guidance from your dental healthcare provider so you can reverse or treat any adverse effect you are experien­cing,” ani Dr. Jaime Galvez Tan ng Health Justice Philippines.

Aniya, sa simula pa lamang ay mabahong hininga na ang makukuha sa paninigarilyo, maninilaw o brown ang mga ngipin na madaling kapitan ng pagkabulok at kapag namaga ang galagid ay ay maari nang maging sanhi ng gum disease. Batay sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang paggamit ng tobacco products ay mas malaki ang panganib na magkaroon ng oral cancer.

Lumalabas din na ang pagkabulok ng ngipin ay mas mataas ang pagkakaroon nito dahil sa paninilgarilyo, at nabubungi. Sa datos ng CDC, 44% oang adult smokers (25-64 taong gulang) ang may bulok na ngipin habang 43% na older adult (65-anyos pataas) ay wala nang ngipin.

Nasa 1.13 bilyon naman ang naninigarilyo globally, kung saan nasa 7.4 milyon ang nasawi bunga ng panini­garilyo.

Show comments