Higit 70 milyong Pinoy, naisyuhan na ng National ID

A sample of the Philippine National ID, now a valid proof of identity.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapag-isyu na sila ng mahigit 70 milyong Philippine Identification System IDs (PhilIDs) at ePhilIDs hanggang nitong Hunyo 2023.

Sinabi ng PSA na naabot nila ang panibagong milestone sa pagpapatupad ng PhilSys sa pagkakaroon ng 70,271,330 registered persons sa PhilIDs at ePhilIDs hanggang nitong Hunyo 16.

Sa kasalukuyan, 33,422,502 PhilIDs na ang naihatid, habang 36,848,828 ePhilIDs naman ang na-print na o na-download.

Hinimok naman ng PSA ang mga nakapagparehistro na sa PhilSys na bisitahin ang https://appt.philsys.gov.ph at alamin kung maaari na ba nilang makuha ang ePhilIDs.

Siniguro naman ng ahensya ang publiko na isasa­prayoridad ng PSA ang mga PhilIDs na naapektuhan sa sunog na tumupok sa Manila Central Post Office ka­ma­kailan.

Ang rehistradong indibidwal na nakakuha ng official text message mula sa PSA ay maaari nang makapag-download ng PDF copy ng kanilang ePhiID sa kanilang mga cellphone.

Show comments