Biyuda ni Gov. Degamo, kinondena ang labas-pasok sa NBI jail ni Dera

MANILA, Philippines — Dahil sa nabunyag na paglabas-pasok sa NBI detention facility ng drug suspect na si Jose Adrian Dera, a.k.a. Jad Dera sa tulong ng ilang NBI jailguards ay mariin itong kinondena ni Negros Oriental, Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ng napaslang na si Negros­ Occidental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Degamo, dahil sa insidente ay tulu­yan na siyang nawalan ng tiwala sa NBI na pinamu­munuan ni Director Me­nardo De Lemos.

Ikinagalit din ng alkalde ang kawalang parusa sa hepe ng NBI Security Management Service dahil sa naturang insidente bagkus ay naili­pat lamang ito sa South Cotabato NBI Office.

Tinuligsa rin ni De­gamo na mistulang walang alam ang NBI sa mga nangya­yari lalo na ang recanta­tion o pagbawi ng sinumpaang salaysay ng 10 suspek sa pagpatay sa asawang go­bernador.

Si Dera ay isa sa drug suspect na kasama ni dating senador Leila de Lima sa kaso sa iligal na droga at sinasangkot din sa Degamo slay.

 Sinasabing nadiskubre ni Atty. Levito Baligod, abogado ng mga Degamo, ang apat na beses na pag­labas-pasok sa kanyang selda sa NBI ni Dera gayundin ang suspek na si Marvin Miranda kasama ang ilang NBI jailguards.

Show comments