2 vintage bomb nahukay sa compound ng National Museum
MANILA, Philippines — Dalawang vintage bomb ang nahukay nitong Lunes ng gabi sa compound ng National Museum of the Philippines sa Maynila. Agad rumesponde at ininspeksyon ng mga bomb expert mula sa Manila Police District (MPD) ang mga bomba kung saan isa rito ay 75mm high explosive projectile at isa pang 25mm cartridge na ginamit bilang mga bala para sa mga kanyon noong World War II.
Ayon kay Police Lieutenant Leo Limbaga, officer-in-charge ng District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU) ng MPD, natuklasan ang dalawang bomba habang may inaayos sa complex ground at natamaan ito ng backhoe operator.
“Buti na lamang umano ay hindi sumabog ang nasabing bomba nang masapul ng backhoe, kapag ito ay sumabog, it has a 30 to 50 casualty range,” wika ni Limbaga.
- Latest