MANILA, Philippines — Isang guro sa pribadong eskwelahan ang inaresto ng mga otoridad dahil sa umano’y panghahalay sa 15-anyos na estudyante sa loob ng paaralan sa Calamba City, Laguna, kamakailan.
Kinilala ni P. Captain Rolly Dahug, Rizal police chief ang suspek na si Joven Ramos Intia, 24, guro ng Leceo De Calamba High School na inaresto batay sa arrest warrant na inisyu ni Hon. Ave Zurbito-Alba, Acting Presiding Judge, Branch 8 Family Court City of Calamba, Laguna.
Ang suspek ay nakatala bilang Most Wanted Person Regional Level na responsable sa umano’y panghahalay nito sa kanyang 15-anyos na grade eight student sa loob ng eskwelahan noong Feb. 18, 2023 at simula noon ito ay nagtago na.
Ang suspek ay nagtago ng halos ilang buwan matapos ang insidente nang panghahalay hanggang sa ito ay namataan sa lalawigan ng Rizal at dito na siya inaresto ng mga otoridad.
Ang suspek ay kinasuhan ng rape at walang piyansa na inirekomenda ang piskalya.