MANILA, Philippines — Asahan na muli ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo matapos naman ang ilang linggong pagbaba nito.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, sa susunod na linggo o sa Martes ay ipatutupad ang taas-presyo ng diesel ng mula P0.90 kada litro hanggang P1.20 per liter samantalang ang kerosene ay tataas ng P1 hanggang P1.30 kada litro.
Inaasahan naman na walang galaw ang presyo ng gasolina pero kung magkaroon man ay posibleng tataas ito P0.30 kada litro.
Ayon sa mga key players, ang galaw ng bentahan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng price adjustment.
Tuwing araw ng Martes ipinatutupad anga price adjustment.