^

Police Metro

Drug suspect na si Dera, 4 beses pumuslit sa selda ng NBI

Danilo Garcia - Pang-masa
Drug suspect na si Dera, 4 beses pumuslit sa selda ng NBI
Iniharap ng NBI sa media ang nadakip na co-accused at umano’y pamazngkin ng nakakulong na si Senador Leila De Lima na si Jose Adrian Tiamson Dera matapos ang pagtatago ng dalawang taon sa batas sa kasong illegal drugs.
Russel Palma

MANILA, Philippines — Nakita na nakalabas ng kanyang selda sa National Bureau of Investigation (NBI) hindi lang isa o da­lawa ngunit apat na beses si Jose Adrian Dera, isa sa co-accused sa kasong iligal na droga ni dating Senador Leila de Lima.

Ito ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI kay Dera makaraang madiskubre ang paglabas niya kasama ang limang jailguards at kumain sa isang hotel sa Makati City, kamakailan.

Bukod sa pagkain sa restoran ng hotel noong alas-8 ng Martes ng gabi kasama ng isang babae, ineskortan pa si Dera patungo sa kaniyang bahay sa Rizal.

Kabaligtaran ito sa alibi na inilabas si Dera para sa isang medical check-up dahil sa gastritis.

Natuklasan din na nagawang makapunta ni Dera sa Tagaytay, Subic sa Pampanga, at Calatagan sa Batangas.

Sa pahayag ng isa sa tauhan ng NBI, napilitan lang siyang sumama kay Dera ng anim na beses dahil sa banta na mawawalan siya ng trabaho kapag tumanggi.

Sinabi ni Levito Bali­god, abogado ng pamil­ya Degamo, na sila ang nagbigay ng impormasyon sa NBI-NCR at NBI-Taskforce Against Illegal Drugs ukol sa mga aktibidad ni Dera na agad namang inaksyunan kaya nabuko ang ginagawa nito.

Naniniwala naman si Baligod na hindi lang si Dera ang nakalabas ng NBI Custodial Jail ngunit maging si Marvin Miranda, isa sa itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Posible umano na una lang nakabalik si Miranda kaya hindi siya nabuko.

Sinampahan na ng kasong corruption of public officials si Dera nitong Huwebes habang mga kasong graft at bribery ang inihain naman sa mga tauhan ng NBI na kaniyang kasama.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with