MANILA, Philippines — Batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay tumaas ang presyo ng bigas, isdang bangus at pulang asukal sa unang bahagi ng Hunyo ngayong taon.
Ayon sa PSA, tumaas sa P0.07 hanggang sa P1.00 ang retail price ng kada kilo ng regular milled rice sa walong trading centers.
Nagkaroon din ng pagtaas na P0.50 hanggang P25.00 sa kada kilo ng bangus sa pitong trading centers at pati na ang native bawang ay tumaas ang presyo ng P10.00 hanggang P30.00 kada kilo.
Maging ang pulang asukal ay patuloy ang pagtaas ng presyo na nasa P0.25 hanggang P6.13 ang dagdag sa kada kilo sa anim na trading centers.
Bumaba naman ang average retail prices sa kada kilo ng manok na may tapyas na P2.50 -P20.00 sa anim na trading centers gayundin ang bentahan ng saging na lakatan na may naitalang tapyas na mula P2.08-P15.00 sa anim na trading centers.