Nurses sa Pinas mauubos na — DOH
MANILA, Philippines — Kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis ng mga nurses patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo ay malaki ang posibilidad na maubos na ang nagtatrabaho sa Pilipinas.
“I saw the figures, mas madami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a few more years, I don’t know how many but I think it can be counted by the fingers of one hand. In a few years, if we don’t do anything, maubusan tayo ng nurses,” saad ni Department of Health Secretary Ted Herbosa.
Sa record ng DOH, mayroong 44,602 na doktor at 178,629 nurses ang nagtatrabaho sa Pilipinas. Malayo ito sa datos ng Professional Regulatory Commission na nagsasaad na mayroong 95,000 lisensyadong doktor at 509,000 lisensyadong nurses ang bansa.
Inamin naman ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), na may 40-50% ng kanilang mga nurses ang nag-resign sa loob ng nakalipas na dalawang taon para mangibang bansa.
Ito umano ang dahilan kung bakit bukas siya sa pagbibigay ng pansamantalang lisensya sa mga nurses na hindi pa nakakapasa sa board exams o kaya naman ay hindi pumasa sa unang pagsubok.
- Latest