Importers ng lato-lato, hanapin - DTI

Lato-lato toys are displayed at a sidewalk stall in downtown Cebu City.
Aldo Banaynal

MANILA, Philippines — “Tukuyin ang mga importers o manufacturers ng kontrobersyal na laruan na “lato-lato” makaraang sabihin ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala itong kaukulang sertipiko.

Ito ang naging pana­wagan ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo sa ibang ahensya ng pamahalaan at handang makipagtulungan sa FDA para magsagawa ng operasyon at mangumpiska ng mga lato-lato na hayagang ibinebenta sa merkado.

“Isa pang kailangan i-chase, saan nangga­galing itong lato-lato, sino ang nagpapasok, nag-iimport o sino ang gumagawa?” ayon kay Castelo.

Bagama’t wala umano sa kanila ang mandato para habulin ang naturang “mapanganib” na laruan, sinabi ni Castelo na adbokasiya nila sa DTI ang proteksyon ng mga konsyumer at maaaring lumapit sa kanila ang FDA maging ang isang organisasyon tulad ng Ecowaste Coalition para magsagawa ng mga operasyon.

Bukod dito, wala ring label ang mga laruang ibinebenta kaya hindi alam ng konsyumer kung sino ang hahabulin para managot sa oras na may malason sa laruan.

Show comments