MANILA, Philippines — Unang kaso ng Omicron subvariant FE.1 sa bansa ang naitala ng Department of Health.
Ayon sa pinakahuling ulat ng biosurveillance ng COVID-19 ng DOH, ang FE.1 ay isang sublineage ng XBB, na idinagdag sa listahan ng mga variant na sinusubaybayan ng European Center for Disease Prevention and Control noong Hunyo 1.
Sa ngayon, ang FE.1 ay kilala rin bilang XBB.1.18.1.1, na natukoy na sa 35 bansa.
Gayunpaman, sinabi sa ulat ng DOH na wala itong nakikitang kaibahan sa lubha ng sakit na ipinapakita kumpara sa orihinal na variant ng Omicron.
Ang ulat ng biosurveillance ng DOH ay nagsiwalat din na 2,215 iba pang mga subvariant ng Omicron ang natukoy din sa bansa. May 1,939 ang inuri bilang XBB.
Natukoy din ng mga health authorities ang 206 kaso ng BA.2.3.20, 34 bilang XBC, 4 bilang BA.5, 6 bilang BA.2.75, at 26 bilang iba pang mga sublineage ng Omicron.
Ito ang mga resulta ng mga sequence samples ng Southern Philippines Medical Center at University of the Philippines – Philippine Genome Center noong Mayo 29 hanggang Hunyo 12.