Tserman sa Bulacan, todas sa ambush!

Masusing iniimbestigahan ng mga rumespondeng scene of the crime operatives ang bangkay ni Brgy. Bangkal Chairman Marcelino “Ube” Punzal, na pinagbabaril ng ‘di kilalang suspek habang lulan ng kanyang sasakyan sa Norzagaray, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Agad nasawi ang isang barangay chairman sa Bulacan matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa kahabaan ng Edenville Road, Brgy. Partida, bayan ng Norzagaray, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Marcelino “Ube” Punzal, 63 taong gulang, kapitan ng Brgy. Bangkal, Norzagaray, Bulacan, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa report ni Norzagaray acting chief of police Lt. Col. Lynelle Solomon, alas-7 ng gabi nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen sa pamamaril sa biktima habang nasa loob ng kanyang sasakyan  sa nasabing lugar.

Agad rumesponde ang mga pulis sa lugar at dito’y inabutan nila ang biktima na patay na sa loob ng kaniyang kulay pulang Mitsubishi Estrada (XJV-160).

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng cartridges at apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments