Bulkang Taal, nagtala ng 22 pagyanig

Sinabi ng Phivolcs na nagluwa rin ang bulkan ng 7643 tonelada ng asupre at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na  nagdulot ng VOG na may 1800 metrong taas.

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa Batangas matapos magtala ito ng 22 volcanic earthquakes kabilang ang 15  volcanic tremor na may 2 hanggang 67 minutong haba.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala rin sila ng 0.48 acidity sa main crater lake at 74.1? na temperatura sa main crater ng Bulkang Mayon.

Sinabi ng Phivolcs na nagluwa rin ang bulkan ng 7643 tonelada ng asupre at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na  nagdulot ng VOG na may 1800 metrong taas.

Nagtala rin ang  bulkan ng malakas na pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran at panandaliang pamamaga ng kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island at ang pagkakaroon ng pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera.

Patuloy na pinagbaba­wal ng Phivolcs ang paglapit ng mga tao sa Taal Lake at pagpasok sa Taal Volcano Island.

Show comments