97% kadete ng PMA, pumasa sa Civil Service Exam

MANILA, Philippines — Nasa 97 porsyento ng mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang pumasa sa Civil Service Examination-Pen and Paper Tes.

Ayon sa Civil Service Commission, may 297 PMA cadets ngayong batch 2023 ang kumuha ng pagsusulit.

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada, unang pagkakataon ito na kumuha ng pagsusulit ang PMA cadets at sa kabuuang bilang, 288 ang pumasa at 9 lang ang hindi pinalad.

Ito aniya ay nasa 97% na pumasa at ang national passing rate ay nasa 16.88% lamang.

Nagbigay ng pagsusulit ang CSC, alinsunod sa plano ng PMA na bigyan ng special eligibility ang kanilang mga kadete para makapagsilbi pa rin sila sa bansa, sa civil service, at hindi lamang sa ilalim ng AFP.

Show comments