MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa pagbili at paggamit ng laruang pambata na “lato-lato” dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.
Sa abiso ng FDA, tinukoy nito ang unlabeled green lato-lato, pro-clackers (lato-lato) na may ilaw at lato-lato na ibinebenta sa isang online shopping platform (Lato lato toys with handle glow in the dark latto latto toy toy tok tok old school toy etek toy lato lato makasar) na walang certificate of product notification kayat hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng naturang laruan lalo sa mga bata.
Ayon naman kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, tama ang desisyon ng FDA na mag-isyu ng public health warning dahil mapipigilan nito ang ilang potential safety concerns nito para sa mga bata kabilang ang choking, eye-injury at strangulation.
Hinikayat din ng grupo ang regulatory agencies, kabilang na ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang advisories at kumpiskahin ang mga unnotified at unregistered lato-lato toys.
Umapela rin si Dizon sa mga nagtitinda ng laruan na itigil ang pagbebenta ng unauthorized lato-lato toys lalo sa mga kabataan.