^

Police Metro

FDA nagbabala sa paggamit ng laruang ‘lato-lato’

Angie dela Cruz - Associated Press
FDA nagbabala sa paggamit ng laruang âlato-latoâ
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na iwasang bumili at gumamit ng umiilaw na laruang lato-lato na umano’y may halong kemikal na delikado sa kalusugan ng mga bata. Tulad ng makikita sa larawan na ibinebenta sa Divisoria.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa pagbili at paggamit ng laruang pambata na “lato-lato” dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.

Sa abiso ng FDA, tinukoy nito ang unlabeled green lato-lato, pro-clackers (lato-lato) na may ilaw at lato-lato na ibinebenta sa isang online shopping platform (Lato lato toys with handle glow in the dark latto latto toy toy tok tok old school toy etek toy lato lato makasar) na walang certificate of product noti­fication kayat hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng naturang laruan lalo sa mga bata.

Ayon naman kay Thony Dizon, Toxics­ Campaigner ng BAN Toxics, tama ang desisyon ng FDA na mag-isyu ng public health warning dahil mapipigilan nito ang ilang potential safety concerns nito para sa mga bata kabilang ang choking, eye-injury at strangulation.

Hinikayat din ng grupo ang regulatory agencies, kabilang na ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang advi­sories at kumpiskahin ang mga unnotified at unregistered lato-lato toys.

Umapela rin si Dizon sa mga nagtitinda ng laruan na itigil ang pagbebenta ng unauthorized lato-lato toys lalo sa mga kabataan.

FDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with